1 dead, 3 missing, and more than 170,000 displaced in Bicol due to Typhoon Ulysses
Bago pa tumindi ang lakas ng bagyong #UlyssesPH sa bansa, naitala na ng civil defense officers ng Bicol region ang pagkakamatay ng isang residente at isa naman ang sugatan sa kanilang record of casualties.
Ayon sa Office of Civil Defense-Region 5 noong gabi ng Miyerkules, isang 68-taong gulang na matandang lalaki ang namatay sa bubong ng kanilang tahanan sa Dae, Camarines Norte. Walang karagdagang impormasyon tungkol ang nailabs ukol sa sanhi ng kanyang pagkamatay.
Naitala rin nga OCD-5 na meron din isang 38-taong gulang na residente ng Merecedes, Camarines Norte ang naitalang nakatamo ng sugat sa kanyang kanang paa habang tatlo namang katao galing Vinzons, Camarines Norte ang nawawala pa rin hanggang sa ngayon.
Sa kasulukuyan, nasa 47,316 pamilya o 171,159 Bicol na mga residente ang bilang ng mga taong nakalikas sa kanilang mga tahanan dahil sa bagyo. Nasa 45,176 pamilya o 162,753 katao naman ang bilang ng mga taong nailikas sa mga evacuation centers ng lungsod.
900 na bilang ng mga pasahero, 255 na bilang ng mga truck , 44 na sasakyan at 5 sea vessel ang stranded ngayon.
Madadaan pa rin ang mga national roads sa Bicol maliban na lang National roads in Bicol are still passable except for Sto. Domingo-Buhatan-Cagraray Circumferential Road kung saan nagkaroon ng rockfall at landslide na humarang sa paglakbay ng mga sasakyan sa lugar. Naitalang 4 na landslide na ang nagana at wala na din kuryente at supply ng tubig sa ibang bahagi ng Bicol ayon sa OCD-5.
Ang #UlyssesPH (international name: Vamco) ay ang pang-21 na bagyo na ngayong taon at inaasahang magbubuhos ito ngayong Huwebes bandang 10 pm hanggang 12 am sa Polillo Island.