18 UP Students na sumali sa NPA ang napatay sa engkuwentro kasama ang mga sundalo ayon sa AFP chief

Ayon sa chief ng Armed Forces of the Philippines na si Gen. Gilbert Gapay na ang University of the Philippines ay isa sa ‘rich sources’ ng mga recruits ng New People’s Army. Isa si Gapay sa sumuporta sa desisyon ng Department of National Defense na ibalewala na ang 1989 na kasunduan nila sa UP system.

Ang kasunduang ito ay naglalayon na ang mga miyembro ng PNP o AFP ay mag-paalam pa sa mga opisyales ng unibersidad upang makapasok.

Nagbitaw ng pahayag si Gapay ukol dito, “The termination of the agreement instead be focused on the fact that UP is one of the rich sources of NPA recruits.”

Base sa mga datos ng AFP, mayroon silang naitalang 18 UP students na narecruit ng NPA, at napatay sa mga engkuwentro. Ani pa niya, “And this deadly recruitment has to stop.”

Idinagdag ni Gapay na, “We cannot remaind bound by an agreement that dictates that we have to seek permission before we can enter UP campuses. We should not be tied to a covenant that requires prior notice before we can effect arrests or searches even if the courts have issued the warrants.”

Iginiit ni Gapay na hindi papakialaman ng militar ang kalayaan ng UP kung sino ang nagtuturo, ano ang ituturo sa pamantasan. Diumano, “Academic freedom is guaranteed by the Constitution, it does not require enabling laws or any other agreements – certainly not from the voided agreement.”

Ayon naman sa Presidente ng unibersidad na si Danilo Concepcion na ang terminasyon ng accord ay, “Totally unnecessary and unwarranted.”

Ang kasunduang ito ay upang maiwasan ang mga security forces ng gobyerno sa pag-atake sa mga aktibistang estudyante o guro para sa kanilang mga paniniwalang pulitikal.

Ngunit iginigiit ni Gapay na ang pagbibigay ng pribilehiyong ito sa UP ay laban sa equal protection na clause ng Konstitusyon. Diumano, walang distinksyon mula UP at ibang mga pamantasan. Ani pa niya, “To give to UP such entitlement places it an unfairly advantaged status over the academic institutions and defies that constitutional guarantee of equality of rights and protection under our laws.”

Bilang pagtatapos, diumano ay inaabangan ni Gapay ang mas malapit na relasyon kasama ang UP at ibang pamantasan. Ayon pa sa kanya, “to usher the rebirth of schools and state universities that are bastions of genuine patriotism and not of misguided activism.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *