7 Senador, laban sa unilateral termination ng UP-DND Accord
Pitong senador ang nasa oposisyon sa isinagawa ng Department of National Defense (DND) na unilateral termination sa 1989 UP-DND Accord.
Kabilang dito ang mga Senador na sila Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Ralph Recto, Leila de Lima, Franklin Drilon at Joel Villanueva.
Mayroon silang ipinasang resolusyon ukol sa kanilang pag-kontra laban sa ginawa ng DND.