AFP, nanghingi ng paumanhin matapos mag-redtag ng isang UP Alumni

Nanghingi ng paumanhin ang Armed Forces of the Philippines sa isang alumni ng Unibersidad ng Pilipinas na nasali sa lista ng ‘recruits’ ng New People’s Army.

Ayon sa pahayag ng organisasyon, “We sincerely apologize for those who were inadvertently affected by inconsistencies regarding the List of Students who joined NPA that was posted in the AFP Information Exchange Facebook account.”

Idinagdag nila na mananagot ang mga personnel na responsable sa insidenteng ito. Umano, nagsimula na ang J7 office ng AFP sa isang internal na imbestigasyon kung paano naisapubliko ang listang nabanggit.

Ang official apology na ito ay dumating ilang oras lamang matapos kinilala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kamaliang ginawa ng militar, at binansagan pa nga itong ‘unpardonable gaffe’.

Si Atty. Raffy Aquino, isang miyembro ng Free Legal Assistance Group at naisali sa lista, ay nanghingi ng public apology galing sa AFP.

Ang facebook post na nabanggit ay pumapatungkol sa lista ng mga UP Students na nahuli at napatay matapos umanong sumali sa grupo ng mga komunistang rebelde. Kalaunan ay binura rin ang mismong post matapos ang malawakang paglaban dito ng mga netizens.

Nagwika si Aquino na kasama ang ibang UP alumni na nabiktima ng ginawang ito ng AFP, tatahak sila ng mga legal na aksyon laban sa pangrered-tag na isinagawa sa kanila ng AFP.

Ani niya, “The members of the group are consulting, and definitely, we want to hold people accountable for this reckless publication of a list and ou malicious inclusion in that list.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *