Alex Gonzaga at Mikee Morada ikinasal na!

Kinasal na ang magkatipang sila Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Ayon sa isang vlog entry na isinapubliko noong Linggo, si Alex at Mikee ay nagkaroon ng simpleng kasalan sa kanilang pamamahay sa Taytay, Rizal noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ani pa ni Alex, “Kinasal na po kami. Isa na po akong misis.

November kami kinasal ni Mikee. Dito kami kinasal. Simple lang, kasama lang yung family and parents namin.”

Pinaliwanag din niya bakit nila piniling hindi muna isapubliko ang kanilang kasal. “It’s because we wanted to celebrate together as a family muna. Alam namin na may pandemic. We just wanted to keep it to ourselves for a little while to celebrate.”

Nangako si Alex na gagawa siya ng ibang vlog entry para ipakita sa kanyang mga followers kung ano nga ba ang nangyari sa araw ng kanyang kasal, at kung paano ang pamumuhay nila ng ngayo’y asawa niyang si Mikee bilang bagong-kasal.

Nang umabot na ang pagtatapos ng video, binahagi ni Alex ang ilang mga clips sa kanilang kasal, kasali ang mga wedding vows nila para sa isa’t isa.

Si Alex (32) ay na-engage kay Mikee, kasintahan na niya ng apat na taon, noong Enero lamang ng 2020.

Nag-deklara rin si Alex na magkakaroon sila ng mas masigarbong kasal sa taong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *