Andi, pinaiyak si Philmar gamit ang isang mensahe

Naiyak si Philmar Alipayo nang mabasa ang nilalaman ng sulat ng kanyang katipang si Andi Eigenmann para sa kanya.

Pinakita talaga ang pagmamahal niya kay Andi batay na rin sa naging reaksyon ng batikang surfer.

Ang bagong vlog na isinapubliko ni Andi ay naglalaman ng buong pregnancy journey niya, mula sa pagbubuntis hanggang sa manganak na siya kay Koa.

Sa parte na nanganganak na ang aktres, si Philmar naman at nag-video lang sa mga kaganapan. Kalaunan, makikita na binabasa niya ang liham na nanggaling kay Andi.

Ayon kay Philmar, pinakuha ni Andi ang isang libro na naglalaman ng sulat.

Ani ng liham, “Mahal here we go again! Hope you are as happy as I am that our baby is on the way. Thank you so much for everything!”

Bilang pagtatapos, mayroong pahabol si Andi na, “My kids are very lucky to have you as their Papa. I love you!”

Pagkabasa ng mensahe, natulala at napaupo ang surfer. Makikitang sa pagkahinto niya ay naluha siya nang saglit na kaagad namang pinunasan ng damit.

Isinilang ni Andi ang kanyang ikatlong anak na si Koa noong ika-17 ng Enero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *