Ang Sa Iyo Ay Akin Season 2 Trailer | ABS-CBN Entertainment

Naipalabas na ang trailer ng season 2 ng sikat na teleserye ng ABS-CBN na “Ang Sa Iyo Ay Akin” nitong ika-8 lang ng Nobyembre.

Sa pagbubukas ng bagong yugto ng serye, inaabangan na ng karamihan ang pagpasok ng mga karakter nina Grae Fernandez, Kira Balinger, Rita Avila, at Joseph Marco kahit na di pa rin nilalabas kung anong mga role ang gagampanan ng mga nabanggit na mga aktor.

Mapapanood ang mga bagong epsiodes ng serye gamit ang A2Z channel (Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga) gabi-gabi. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

Patuloy pa rin itong mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa Youtube Channel at Facebook Page ng ABS-CBN Entertainmemt, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Ito ang link ng trailer ng ikalawang yugto ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” : https://youtu.be/ne3NMCV8iGM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *