Angeline Quinto deeply mourns passing of her Mama Bob

Labis na pagdadalamhati ang naramdaman ngayon ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto matapos ang pagpanaw ng kanyang namayapang adoptive mom na si Mama Bob noong Nov. 7.

Sa kanyang recent instagram post, napaiyak nito ang mga neitizens sa pagpost ng aktres ng isang throwback picture nila ng kanyang pumanaw na ina na may kalakip na madadaming mensahe at hugot.

“Ma, hindi ko alam paano ako magsisimula ulit.”

“Paano ako gigising sa umaga na wala ka? Ikaw ang buhay ko, Mama Bob. Ikaw ang mundo ko, Mama. Ikaw lahat. Tulungan mo ako, Ma.”

“Palagi kong tatandaan at gagawin lahat nang tinuro mo sa akin. Mahal na mahal kita, Ma,” pahayag ni Angeline.

Maraming nakaramdam ng pangugulila ng aktres sa kanyang mensahe para sa ina kung kaya’t maraming mga fans at neitizens ang nakiramay at nangakong ipagdasal nila ang kaluluwa ni Mama Bob.

Maalalang ibinalita ng singer-actress ang pagpanaw ni Mama Bob matapos ma-confine ito sa ospital dahil na-stroke ito noong Sept. 9.

“Mag-iingat ka sa paglalakbay, Ma. Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa Paraiso, masaya ako na nandyan ang Panginoon para umalalay sa yo.”

“Hinding-hindi ako mapapagod sa pagpapasalamat sa’yo, Ma dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo.”

“Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal na mahal kong Mama Bob”, ang huling pamamaalam ng akres sa kanyang namayapang ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *