Asan dito ang FILIPINO RUN?

Noong nakaraan na taon lamang ay nagkaroon din ng kontrobersiya ang pagkakaroon ng mga Chinese Nationals sa ilang mga crucial at sensitibong posisyon ng NGCP ng Pilipinas.

Dineklara ng NGCP na ang mga Chinese Nationals na ito ay nakahawak lamang ng managerial roles, at limitado lamang hanggang sa pagbibigay ng advice.

Maaalalang ang kasinungalingan ng NGCP ay pinabulaanan ni Senator Hontiveros, na nagpost sa kanyang twitter account ng isang litrato ng parte ng Organizational Chart ng NGCP.

Upang mabasa ang tweet ni Senator Hontiveros, i-click ang link na ito: https://twitter.com/risahontiveros/status/1203956525514887169?s=20

Makikitang nasa matataas na posisyon ang ilang mga Chinese Nationals, at marami sa mga kontrata nito na para sa bansa ay binigay sa mga Chinese Corporations.

Sa ngayon, ang isyu naman ay ang kinalaman ng China sa Internet Connectivity ng bansa, sa pag-aapply ng DITO Telecommunity ng franchise renewal.

Ang problema sa pagpapahintulot sa DITO upang maging internet provider ng Pilipinas ay ang pagmamay-ari ng China sa mga stocks ng kumpanya. Idagdag pa na mayroong batas sa China na nag-tatakda sa lahat ng kanilang Chinese Citizens, kasali ang mga businessmen na may mga proyekto oversease, ay susuporta sa national intelligence work.

Ang kontrobersyal na batas na ito ang nagtulak sa ilang mga foreign governments, gaya ng USA, na hindi na gumawa ng mga proyekto kasama ang mga Chinese companies, dahil na rin sa mga national security concerns.

Ipinapanawagan ng mga nasa oposisyon, gaya ni Sen. Risa Hontiveros, na huwag munang bigyan ang DITO ng bagong franchise. Iginiit pa niya na kailangang aralin muna ang epekto ng pagkakaroon ng bagong telco entry na masasabing pagmamay-ari na ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *