Ash Wednesday – Ibubudbod ang abo sa ulo imbes na ipahid sa noo
Sa paggunita ng Ash Wednesday ngayong panahon ng kwaresma, ipapatupad pa rin ng simbahan ang ‘no contact’ na restriksyon dala ng pandemya.
Ayon na rin sa utos ng Vatican, sa halip na sa tradisyonal na pagpahid nito sa noo, ibubudbod na lamang ang ulo sa mga maninimba sa okasyon.
Ani ng apostolic administrator ng Archdiocese of Manila na si Bishop Broderick Pabillo, “Galing sa Vatican, nagkaroon ng instruction at ganun din sa CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) na sa Ash Wednesday, sa halip na ilagay sa noo ay bubudburan na lang ng abo ang kanilang mga ulo. Wala nang contact. Lalapit sila at bubudburan ng abo ang kanilang ulo.
Ang Ash Wednesday ay gugunitain sa ika-17 ng Pebrero.