Aurora, Quezon may be placed under Signal No. 4 NCR under Signal No. 3- meterologist
Ayon sa redident meterologist ng GMA na si “Mang Tani” Cruz, maaring malagay sa Signal No. 3 ang Metro Manila at Signal No. 4 naman ang Aurora at Quezon Province.
“Pag tinignan mo yung track, halos dito lang sa may Bulacan dadaan yung sentro [ng bagyo] kaya ramdam natin yung hangin nung parating na bagyo na yan sa NCR (National Capital Region). Kung hindi hihina yan, malamang Signal No. 3 ang abutin ng Metro Manila at yung mga Aurora, Quezon ay posibleng Signal No. 4 yan dahil sa inaasahang lakas nitong bagyo,” – Cruz
Dagdag pa nito na maaring mas malakas na pagbuhos ng ulan at pinsala ang dala nitong Bagyong Rolly kumpara sa Bagyong Quinta.
“Medyo maliit ang sirkulasyon nitong bagyo pero mas mataas ang inaasahang hangin nito na dadalhin lalo na bago ito tumama, posible, diyan sa may Quezon-Aurora area.”
Inaasahan din malagay sa Signal No. 3 ang Central Luzon at ang ibang bahagi ng Northern Luzon at Calabarzon. Ayon sa PAGASA, mararamdaman ang kalakasan nitong Bagyong Rolly sa darating na linggo at lunes lalo na sa Central-Luzon at Quezon.
Caption for FB:
Na-italang aabot sa Signal No. 3 o 4 ang pinsalang dala nitong Bagyong Rolly at inaasahang sa Aurora at Quezon ang matinding tatamaan nito.