Bagong testing at quarantine protocols ang susundin simula February 1

Magiimplementa ang Pilipinas ng bagong quarantine protocols at COVID-19 testing para sa mga manggagaling sa ibang bansa bilang dagdag aksyon sa kagustuhan nilang tigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang variants ng virus.

Lahat ng mga dadating na pasahero ay kakailanganin dumaan sa isang facility-based quarantine pagdating sa bansa, ayon sa Presidential Spokesperson na si Harry Roque. Inuulit niya ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF).

Lahat ng mga bumiyabiyahe ay kakailanganin kumuha ng RT-PCR test sa ikalimang araw mula ng pagdating nila.

Ang mga mayroong negatibong resulta ay ililipat sa kanilang government units, kung saan nila ipagpapatuloy ang nalalabing araw ng 14-day quarantine.

Mayroon nang nalagay na restriksyon sa 35 bansa dulot ng mga bagong variants ng virus. Sa ngayon, mayroon nang naitalang 17 kaso ng UK variant sa Pilipinas, 12 sa kanila ay galing Bontoc, Mountain Province.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *