Bagyong Rolly nag-iwan ng matinding pinsala sa Catanduanes

Matapos ang matinding pagbuhos ng ulan at pagbaha dulot ng bagyong Rolly nitong madaling araw ng linggo, hindi bababa sa 6 ang naitalang patay at 4 ang sugatan sa Catanduanes. Ayon kay Catanduanes Governor Joseph Cua, pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng 6 na tao sa kanilang lalawigan.

Tinatayang nasa 80% naman ng electric facilities ang apekatado at 10,000 bahay ang napinsala, kabilang na ang mga nasa tabingdagat, ayon sa naitala ng Office of Civil Defense ng Bicol region. Kung kaya’t mahirap at limitado ang komunukasiyon doon dahil giba ang mga cell cites at walang kuryente sa halos lahat na bahagi nga lalawigan na ayon kay Cua ay sinisikap namang nilang ayusin at ibalik agad. Nanawagan din ang gobernador na maibalik na ang ferry system dahil pansamantalang dumaong sa Albay ang ilang ferry sa Catanduanes noong bagyong Quinta.

Sa kasalukuyan, ang bagyong Rolly ang itunuturing pinakamakalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon na nasa higit na 15,000 pamilya ang naapektuhan ng pananalasa nito. Kabilang sa mga naapektuhang bayan ang Bato, Gigmoto, Baras, Virac, at San Andres.

Nakahanda naman ang tulong na relief goods operation ng lalawigan at meron ring paparating na tulong ang hatid ng ibang ahensiya ng pamahalaan. Isa na dito ang Philippine Red Cross (PRC) kung saan meron silang 50 volunteers na papunta sa mga apektadong lugar ng Albat at Catanduanes.

Ayon sa chairperson ng PRC na si Sen. Richard Gordon, nakahanda na rin sila para magsagawa ng COVID-19 swab test sa mga residente nga Catanduanes kung kinakailangan. Inaasahan din na maghahatid ang PRC ng mga food truck, water tank, pay loader, mga sako ng bigas, hygiene kits at iba pang pangangailangan sa Catanduanes.

Caption:
Mahigit 6 katao ang naitalang patay at 4 naman ang sugatan dulot ng pananalasa ng bagyong Rolly sa Catnduanes. Ayon sa gobernador nito, pagkalunod ang sanhi ng pagkakamatay ng 6 na tao sa kanilang lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *