Batang edad 10+, hindi pa rin dapat lalabas ng bahay

Nilalabanan ng Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectious Disease Society ng Pilipinas ang pinakahuling IATF Resolution No. 95.

Ang resolusyong ito ay nagbibigay permiso sa mga batang 10 at lalagpas pa na makalabas ng kanilang pamamahay, habang ito ay napapasailalim ng modified general community quarantine.

Iginigiit ng PPS at PIDS na hindi ito ang oras upang payagan ang mga ganito kababatang indibiduwal na lumabas mula sa seguridad ng kanilang pamamahay habang ang banta ng COVID-19 ay mas lumalala.

Ayon sa dalawang samahan, pinakamabuting gagawin ng kabataan ay manatili lamang sa kanilang bahay upang makaiwas sa impeksyon ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *