Binalaan ni Biden ang Beijing sa ginagawang expansion
Isang linggo palang sa White House ang bagong US President na si Joe Biden ngunit nagpadala na ito ng babala sa ginagawang pagpapalaki sa East at Southeast Asia ng Beijing.
Sa maraming panawagan at pahayag na binitawan nito, nagpahiwatig si Biden ng underscored support para sa mga ka-alyadong Japan, South Korea, at Taiwan. Ipinaparating na hindi tinatanggap ng Washington ang ginagawang pag-aangkin ng China sa mga lugar na yaon.
Ang panig na ito ni Biden ay pinapanindigan din ng Defense Secretary na si Lloyd Austin, na nagsabi na ang mga inaangking isla ng China sa Japan ay sakop ng US-Japan Security Treaty.
Kinukumpirma ni Austin na ang Estados Unidos ay nananatiling taliwas sa kahit anumang unilateral attempts ng mga pagbabago sa status quo sa loob ng East China Sea.
Habang tatlong araw palang papasok sa administrasyon ni Biden, nagbabala ang State Department spokesman na si Ned Price sa ginagawa ng China na pananakot sa Taiwan matapos itong magpadala ng sosobra sa isang dosenang military fighters at bombers sa air defense zone ng bansa.
Ani ni Price sa isang pahayag, “We will stand with friends and allies to advance our shared prosperity security and values in the Indo-Pacific region, which includes deepening our ties with Democratic Taiwan.”
Ang mga pahayag na gaya nito na ginawa sa ilalim ng administrasyon ni Biden ay nagpapahiwatig na hindi sila tataliwas sa striktong paniniguro ng posisyon laban sa China, na nakuha nito sa naunang presidente na si Donald Trump.