Bren Esports, napanalunan ang ML World Title

Nanalo laban sa Burmese Ghouls ng Myanmar ang Bren Esports ng Pilipinas, na nakapagbigay sa kanila ng world title sa Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) sa M2 World Championship sa Singapore.

Kinailangan magsimula ng Bren Esports mula sa lower bracket bago makoronahang Grand Champion sa paligsahan.

Bago ang showdown para sa titulo, kinailangang talunin ng Bren Esports ang RRQ Hoshi (3-1), upang makalaban ang Burmese Ghouls.

Dahil sa pagkapanalong ito, kinuha ng grupo ang premyong nagkakahalaga sa $300,000.

Si KarlTzy ng grupo ay tinaguriang MVP ng Finals at naparangalan ng $3,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *