BTS umani na ng 1 Billion Views sa music video ng ‘Boy with Luv’
Mayroon na namang bagong achievement ang sikat na boy band, Bangtan Songyeondan, o mas kilala bilang BTS.
Ayon sa isang ulat ng Soompi, ang music video ng grupo para sa kantang ‘Boy With Luv’ ay lumagpas na sa 1 Billion Views mark noong ika-13 ng Enero.
Ang music video ay isinapubliko noong ika-12 ng Abril, 2019 pagkalabas ng album nilang ‘Map of the Soul: Persona’ na nangangahulugang ang mga views ay nakuha sa loob lamang ng isang taon at siyam na buwan.
Ang ‘Boy with Luv’ ang ikalawang music video ng grupo na umani ng higit sa 1 Billion Views, matapos ang ‘DNA’ na nakuha ito noong Hunyo ng nakaraang taon.