Bulacan towns warned of possible flood amid rise in Ipo Dam water level

Nagbigay ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga residente ng mga “low-lying areas” sa Bulacan para maghanda at lumikas dahil sa pagtaas ng water level ng Ipo dan dahil sa bagyong #UlyssesPH.

Naglabas ng advisory ang PAGASA bandang 12am dahil inaasahang magsimulang mag-“spill” ang tubig mula sa adam sa oras ng 12:30am.

Kung kaya’t inalerto na agad ang mga residente sa nagbabadyang pagbaha sa kanilang lugar, lalo na sa mga mababagang bahagi na mabilis maapektuhan. Nakasaad dito ang mga lugar posibleng maapektuhan ng “spilling operation”:

Norzagaray

Angat

SanRafael

Bustos

Baliuag

Pulilan

Plaridel

Hagonoy

Sa kasulukuyan, nasa signal no. 3 ang #Bulacan, #Metro Manila at ang mga karatig na probinsyang pumapalibot dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *