Bumagsak Ang steelbar sa Ginagawang Skyway

Isang steel bar galing sa Skyway Extension Project ang bumagsak sa ilang mga sasakyan kaninang umaga sa Muntinlupa City. Mayroong 7 taong nasaktan sa insidente.

Itinalang naganap ang pagbagsak ng steel bar kaninang 8:50 at ito’y nakapinsala ng isang SUV, UV, pampasaherong taxi at dalawang motorsiklo. Kasalukuyan namang nasa hospital ang pitong taong nasaktan.

Pansamantalang isinarado ang mga daan ng East Service Road, Skyway at Grade Lane 3 subalit madadaanan naman ang mula Amkor papuntang Sucat. Ang mga gustong dumaan sa East Service Road ay inaabisuhang gumamit muna ng West Service Road.
References:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=200574114861077&id=101962771388879
https://www.cnn.ph/news/2020/11/21/skyway-steel-girder-collapse-muntinlupa.html

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *