Cagayan province turned into ‘Pacific Ocean’: disaster management official

Dahil sa walang tigil na pag-ulan at pagragasa ng tubig-baha hatid nga bagyong #UlyssesPH at Amihan sa probinsya ng Cagayan, ang malawak na kapatagan ay ngayong nagmistulang naging parte ilog ayon sa isang disaster management official noong Biyernes.

“Ang Cagayan ngayon ay parang Pacific Ocean. Lahat ng mga munisipyo na tabi ng Cagayan River, ay baha ngayon. Grabe ang baha ngayon sa Cagayan, na-surpass niya ‘yung previous na baha nung 2019,” sabi ni Col. Ascio Macalan ng Cagayan Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa TeleRadyo ng ABS-CBN.

Ang tubig sa ilog ng Buntun Bridge sa Cagayan ay tumaas hanggang 13 metro ayon sa provincial government.

Maalala noong 2019, 3 ang patay at libu-libong residente ang nawalan ng tahanan dahil sa bagyong #Quiel.

Ika ulit ni Macalan na mas malala itong bagyong #Ulysses dahil 13,000 na pamilya or 47,000 na residente ang labis na naapektuhan dahil sa pagbaha at lakas ng hangin dulot ng Amihan.

“Ang sitwasyon namin dito ngayon ay kakaiba sa nangyari sa nakaraan ng taon,” dagdag pa nito.

Libu-libong mga residente ng probinsiya ang kinailangang i-rescue, nagpatawag ng tulong at nanawagan ng mga rescue operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *