Carmina Villaroel sa anak na si Cassy, “Pwedeng maging Toni Gonzaga ka?”
Ang anak ni Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Mavy at Cassy Legaspi ay 20 years old na sa ngayon. Ngunit sa mata ng ina nilang si Carmina, ang kambal ay kanya pa ring mga ‘babies.’
Hinahangad din niya na manatili ang mga anak sa bahay ‘for as long as possible.’
Ani pa ni Carmina sa isang panayam, “Kung pwede huwag na lang. Pwede bang huwag na lang?”
Mayroon umanong pagkakataon na nagpahayag si Cassy ng kagustuhang mamuhay ng independent, at malakas itong sinalungatan ni Carmina.
Binahagi ito ni Cassy sa isa ring panayam, aniya, “Sabi ko gusto ko mag-independent living, pero siyempre nagalit parents ko. Nagalit si Mommy, sabi ‘No, no. You stay in the house. I’ll miss you so much.’
Tapos sabi ni Tatay, ‘Okay.’
I said, ‘Huh? Okay?’
He said, ‘Oo, diyan ka. Kapitbahay.’
Ano ba iyan? I live alone nga, pero kapitbahay kami. Oh my gosh.”
Umano’y sinabihan niya ang mga magulang na gusto niya na siya’y nasa malayo ngunit sinabihan lang siya ng mga ito na dapat ay nasa malapit lang.
Nagsuhestyon din ang kanyang mga magulang na bumili nalang ng dalawang bahay na konektado sa isa’t isa.
Minungkahi ni Carmina na kung lilisan nga sa pamamahay nila si Cassy, na sana ay sumunod ito sa yapak ng aktres na si Toni Gonzaga na lumiban lang sa bahay ng mga magulang nito pagkatapos ng kasal.
Pinahayag nga ni Carmina na, “Lagi ko nga sinasabi, ‘Pwedeng maging Toni Gonzaga ka na hindi naman nag-move out, pero kinasal naman sa tamang edad.'”
Idinagdag pa niya ang sumusunod ukol sa kagustuhan ng dalaga niyang bumukod, “Ay basta Cassandra, hindi puwede! Babies ko pa kayo. You ad Maverick. No!”
Alam naman daw ni Carmina na kalauna’y kailangan niyang bitawan ang kambal, ngunit hindi pa niya kayang patotohanin ang isiping ito.
Umano gusto lamang ng ina na malapit ang mga anak nito as much as possible.
Nagsabi pa siya sa panayam na, “Parang kailangan na yata namin bumili ng compound para magkakatabi lang kami doon. Di ba, at least meron pa silang privacy trying to live on their own, but you know, I’m just there sa kabilang bakod.”