CHED, papayagan ang limitadong face-to-face na klase sa iilang mga paaralan
Pinahintulutan ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagbalik ng limitadong face-to-face classes para sa mga estudyante ng medisina at kalakip na health sciences sa mga lugar na mayroong Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon sa isang ulat, kasali sa pinayagan ng limitadong face-to-face classes ay ang University of the Philippines (UP) Manila, Ateneo de Manila University, at ang Our Lady of Fatima University sa Valenzuela.
Ani ng CHED chairman na si Prospero de Vera III, “The president has approved my recommendation to have limitd face-to face within higher education institutions in medicine and allied health sciences in MGCQ areas and in GCQ areas where the students go into COVID-19 hospitals.”
Sa College of Medicine sa UP, mayroong 200 estudyante ang umiikot sa mga ospital para sa kanilang mga internship.
Ayon naman sa UP College of Medicine dean na si Dr. Charlotte Chiong, “Mas marami ang transmission sa community kaysa sa ospital. That we already established because we did more than 11,000 testing for healthcare workers within PGH (Philippine General Hospital).”
Ani naman ng CHED na ang mga eskwelahang gustong magsagawa na ng face-to-face classes ay dapat magsumite ng aplikasyon sa kanila.
Bibisitahin ng mga awtoridad ang mga campus ng nag-apply upang tingnan ang compliance sa mga kailangan ihanda upang magdaos ng face-to-face na klase.