China, may bagong batas na pumapayag sa Coast Guard mamaril sa dayuhang sasakyan
Mayroong isinabatas na bagong kontrobersyal na batas ang China na nagbibigay sa Coast Guard nila ng kalayaang mamaril sa mga dayuhang sasakyan na papasok sa kanilang teritoryo.
Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang kanilang, ‘national sovereignty, security and maritime rights,’ ayon na rin sa isang ulat ng Xinhua News Agency noong Sabado.
Magsisimulang maging epektibo ang batas na ito sa ika-1 ng Pebrero.
Mayroon nang awtoridad ang China Coast Guard na gumamit ng kahit nong pamamaraan, kasali na ang paggamit ng mga armas, upang pigilan o maiwasan ang banta ng mga dayuhang sasakyan. Maaari rin silang tumungtong at imbestigahan ang mga dayuhang sasakyang ito na nasa loob ng ‘jurisdictional waters’ ng China, isang tawag sa mga lugar na inaangkin umano ng ibang bansa.
Ang bagong batas na ito ay nagbubukas sa miskalkulasyon ng mga malawak na lugar ng pinag-aagawang teritorya na malayo sa coast ng China. Madalas nagkakaroon ng aberya sa pagitan ng mga Chinese coast guard ships sa mga dayuhang barko dahil na rin sa patuloy na pag-angkin ng bansa sa mga dagat na pumapalibot dito.
Ayon sa Chinese Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying na ang batas na ito ay isa lamang normal na aktibidad pang-legal ng NPC at na ang bansa nila ay mananatiling pangungunahan ang kapayapaan at ‘stability’ sa mga karagatan.
Ang ginagawang pang-aangkin sa sobrang yamang dagat ng West Philippine Sea ay naglalagay sa China sa oposisyon laban sa mga kapitbahay nito gaya ng Malaysia, Pilipinas, at Vietnam.
Habang sa East China Sea, parehong Chinese at Japanese na mga sasakyan ang sumusubaybay sa mga islang inaangkin ng dalawa.