CHR Binalaan Ang Gobyerno laban sa Red Tagging

Binalaan ng Commission on Human Rights nitong Martes ang gobyerno laban sa ginagawa nilang pangrered-tag dahil ito’y nakakadala ng panganib sa kanilang buhay.

Pahayag ito ng CHR Commissioner Jacqueline de Guia matapos inanunsyo ni Presidente Duterte nitong Lunes na ang mga natukoy na Opposition Lawmakers bilang Legal Fronts ng mga komunistang rebelde.

Dagdag dito ay ang pahayag ni De Guia sa ANC Headstart, “The CHR does not delve into who is a communist or not. Ang sa amin lang is we would like to caution government against making sweeping generalizations because it endangers lives.”

Diumano’y mag-ingat sa pangred-tag dahil sa kaibahan ng taong may pag-iisip na laban sa gobyerno mula sa mga taong gumamit na ng dahas laban sa gobyerno. Wala namang mali sa pagkakaroon ng ‘left-leaning ideology’ kung hindi naman ito ginagamitan ng dahas.

Ang kalayaan ng mga mamamayang Filipino magkaroon ng kanilang sariling paniniwala ay ganap at hindi pwedeng kunin ng gobyerno mula sa kanila. Kung ang aksyon naman sa kanilang ideyolohiya ay legal, gaya ng pagsali ng mga partylist, ay hindi naman mali.

Ang ginawang pangrered-tag ni Duterte ay nangyari matapos ng pagpanaw ng anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat sa isang hinihinalang engkwentro ng militar sa ilang NPA nito lamang Sabado sa Surigao del Sur.

Tinitingnan ng CHR ang legalidad ng nasabing engkuwentro at kung ang mga prinsipyo ng International Humanitarian Law ay naobserba.

Nito lamang nakaraang mga araw ay kinundena ng CHR ang militar sa kanilang pagkuha ng litrato kasama ang katawan ni Jevilyn Cullamat.

“Regardless of what troop they belong to, sa’min (for us) it’s a human being, let’s not add ignominy, let’s not use it as propaganda,” ang saad ni Commissioner De Guia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *