Christine Dacera, hindi ginahasa at pinatay.

Ang kontrobersyal na kaso ni Christine Dacera na pumutok noong bagong taon ay may pinal nang resulta sa autopsy report.

Nakita lamang ng autopsy report na siya ay namatay dahil sa mga natural na rason. Nabulaanan ang paratang ng PNP na ang kaso ni Dacera ay ng panggagahasa at pagpapatay.

Sa Medico Legal na ikinuha noong ika-11 ng Enero, nakitang namatay ang dalaga sa ‘aortic aneurysm’, isang medical condition.

Namatay si Dacera nang ilang oras dahil sa kawalan ng dugo bungad ng napunit na aorta sa loob lamang ng ilang oras.

Ani ng medico-legal officer na si Police Lt. Col. Joseph Palmero, “”Rape and/or drug overdose will not result (in) the development of aneurysms. Even overdose and ruptured aneurysm are two different conditions and cannot be both included as cause of death of a patient.”

Ani pa ng ulat, walang alak o kung ano mang droga ang magdudulot sa kanyang aorta upang mapunit.

Idinagdag pa ni Palmero, “That dilatation is a chronic condition and was present long before she died. If she did not die that fateful night, she will die in any scenario that represents an activity that will increase her blood pressure strong enough to tear that aneurysm.”

Maaalalang ang kasong ito ay nagsanhi sa pagkatagpo ng katawan ni Dacera sa bathtub ng isang hotel sa Makati, kinaumagahan ng magdamagang New Year’s party niya kasama ang mga kaibigan.

Sinubukan ng mga kasamahan ni Dacera na siya’y irevive, at kalauna’y idinala sa Makati Medical Center kung saan siya inanunsyong pumanaw na.

Ang pamilya ni Dacera ay taimtim na naniniwalang siya ay ginahasa at pinatay, na sinuportahan ng pulis na kinilalangang kasong ito ay ‘rape with homicide.’

Ilan sa mga kaibigan ni Dacera ay kinilalang mga suspect, ngunit lahat sila ay tumanggi sa paratang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *