Cignal-TV-5 at ABS-CBN partnership maaari nang mangyari!

Matapos hindi marenew ang prangkisa ng ABS-CBN noong 2020, maraming oportunidad ang nagbukas para maituloy nila ang operasyon.

Ang napag-uusapang partnership sa pagitan ng Cignal TV-5 at ABS-CBN ay maaari nang mangyari nang mas maaga kaysa sa unang naisip. Kung ito rin ay maitutuloy, paniguradong malaking benepisyo ito sa Kapamilya channel dahil sa free-TV coverage na mayroon ang Kapatid channel sa buong bansa.

Matagal nang mainit ang posibilidad ng partnership sa pagitan ng dalawang network dahil sa pagbibitbit ng Cignal ng ilang ABS-CBN channels, gaya ng Kapamilya Channel, Jeepney, Cinemo, atbp., sa Cable TV Platform nito.

Ang partnership na ito ay maganda para sa dalawang networks. Ang ABS-CBN ay makakakuha ulit ng mas malawak na free-TV sa buong bansa, at ang TV5 naman ay magiging extended home ng mga pinakamalalaking stars ng showbiz.

Wala pang pahayag galing sa dalawang network ukol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *