Cold Chain Association ng bansa, hindi pa kinakausap ng gobyerno

Inaasahan na ang unang batch ng bakuna panlaban COVID-19 sa Pebrero, ngunit ang mga Cold Storage Operators ng bansa ay hindi pa umano kinakausap ng mga awtoridad ukol sa kanilang gagawin bilang tulong sa pandemya.

Ang mga Cold Chain Storages ay susi sa distribusyon ng mga bakuna, lalo na’t ito ang nagprepreserba sa mga ito.

Nagbahagi na ang Presidente ng Cold Chain Association of the Philippines na si Anthony Dizon na sila ay handang tumulong sa storage ng mga bakuna bilang partnership sa gobyerno.

Ani ni Dizon, wala pang opisyales mula sa gobyerno ang pormal na nakipag-usap sa kanila ukol dito. Hanggang ngayon, hindi nila alam kung maghahanda ba sila ng mga equipment upang mayroong maayos na imbakan ang mga bakuna.

Sa isa namang interview, nagpahayag si Dizon na, “We have on several occasions already manifested our capability and willingness to be part of the vaccine distribution program. We have spoken with some people in the government to deliver the same message but up to now, there has been no active coordination from any agency o government involved in this vaccine program expressing intention to link up with the private sector.”

Ayon kay Carlito Galvez Jr., ang in-charge sa programa ng pambabakuna ng gobyerno, inaasahang matatanggap ang mga bakunang galing sa Sinovac Biotech ng China sa ika-20 ng Pebrero.

Inaasahan ding dadating ang mga bakunang galing sa Pfizer-BioNTech ng America at mga German sa susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *