Contact tracing czar na si Magalong, umamin na may kakulangan sa party na pinuntahan kasama ang asawa
Inamin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang kasalukuyan ring czar ng contact tracing ng bansa ay umamin na ang mga health protocols ng isang party na inorganisa ni Tim Yap ay hindi naobserbahan ng maayos, kahit na ba ito’y pinuntahan niya kasama ang asawa.
Ang party ay idinaos sa The Manor ng Camp John Hay, at dinaluhan ng mga bisitang makikita na hindi sumunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng mask at pisikal na distancing, ayon na rin sa mga video na binahagi sa kanilang mga social media.
Habang ang ibang mga bisita naman ay sumunod sa kakaunting protokol na itinatag laban COVID-19, marami umano ang hindi sumunod dito.
Ani pa ni Magalong, “Meron pa rin [nag-violate]. Even my wife violated it kasi nagtanggal yan because may picture-taking. May umiikot na picture-taking, syempre siguro sa excitement, yung iba nagtatanggal ng masks pampapicture-picture. Pero ako po, lagi akong nakamask.”
Ito ang sagot niya noong tinanong siya kung mayroon bang nangyaring paglabag sa minimum health standards sa dinaluhang party.
Sa kabila nito, kinilala ni Magalong na may mga pagkakataon talagang makakalimutan ng mga tao sumunod ng health protocols, lalo na sa mga pagdadaos na masayahin.
Mayroon nang imbestigasyong nangyayari sa The Manor, at ang legal na opisyal ng LGU ay ipinadala na.
Idinagdag ni Magalong na, “Meron po kaming ordinansa na ipinapatupad na pag hindi ka nagwear ng mask while in a public place, you have to be fined… This is something na iniimbestigahan ng aming legal officer.”
Ipinaliwanag ni Magalong na dinaluhan lamang nila ang party kasama ang asawa upang magpasalamat kay Yap na laging sumusuporta sa local artists ng Baguio.
Sa isang interview noong Martes, inamin ni Tim Yap na siya ay nagdaos ng isang party upang mapagtibay ang Baguio bilang isang local tourist spot. Idinagdag niya na lahat ng dumalo ng pagtitipon ay negatibo sa virus dahil ito ay requirement sa kung sino man ang bibisita sa syudad.
Matatandaan noong Setyembre ng nakaraang taon sinisi ng alkalde ang mga birthday parties at inuman na nakapagpataas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa syudad.
Itinuro ni Magalong na ang kawalan ng pakialam sa minimum health standards and rason kung bakit noong panahong iyon dumami bigla ang bilang ng mayroong COVID-19 sa kanilang syudad, at nagpilit pa nga ito sa kanilang mag-lockdown ng isang barangay dahil ito’y naging critical zone.