Cost Transparency panawagan nang malaman ang diperensya ng presyo ng Sinovac sa Indonesia at Pilipinas
Ang Covid-19 vaccine ng Sinovac ay mas mura sa Indonesia kung ikukumpara sa nailathalang presyo nito sa Pilipinas.
Sa isang tweet, kwinestyon ni Dr. Peter Cayton ng University of the Philippines Pandemic Response Team kung bakit ibinenta sa Pilipinas ang bakuna sa mas mataas na presyo.
Sa isang ulat, inanunsyo ng Indonesia-owned pharmaceutical firm PT Bio Farma na ang COVID-19 vaccine ng Sinovac ay mayroong presyo ng Rp 200,000 o $13.57 kada dosage. Ito ay nagkakahalaga ng PHP 651.98 ayon sa currency exchange rate.
Ayon sa President Director ng Bio Farma na si Honesti Basyir na ang presyo ay direktang in-email sa kanila ng Sinovac BioTech.
Ang Indonesia ang isa sa mayroong pinakamataas na bilang ng kaso sa SouthEast Asia kaalinsabay ng kanilang 869,600 na nakumpirmang kaso noong ika-15 ng Enero.
Habang ang Pilipinas naman ay mayroong 494,605 cases na naiulat noong ika-14 ng Enero.
Ayon sa impormasyong binahagi ng Senate Committee on Finance na hepe na si Sonny Angara, ang naestimang presyo ng Sinovac sa Pilipinas ay PHP 3,629.5 kada dalawang dose.
Ito ang ikinunsiderang ikalawa sa pinakamahal na bakunang pagkukuhanan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, 7 Manufacturer ang kasalukuyang kinakausap ng Pilipinas para sa malawakang programa nito ng pambabakuna.
Ang presyong huling nabanggit ay nagsali na ng Value-Added Taxes at ng Cost of Inflation.
Sa pitong kumpanya, ang Pfizer-BioNTech lamang ang mayroong EUA galing sa Food and Drug Administration ng bansa.