Covid-19 vaccine ng Pfizer, nalalamangan ng benefits ang minimal risk, ayon sa Pinoy Health Workers sa US

Ayon sa mga Pinoy na Health Workers ng United States, ang mga benepisyong makukuha sa bakuna ng Pfizer-BioNTech ay nakakalamang sa minimum side effects na mayroon ito.

Si Nurse Lyrica Joy de Guzman at Doctor Frederick Troncales ang nagbigay ng feedback na ito matapos makumpleto ang dalawang dose ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech na inadminister noong December 2020 at ngayon buwan.

Ani ni de Guzman, “There was no pain when I got the first COVID-19 vaccine shot. Wala rin ako naramdaman na side effect. Meron lang bigat sa injection site tulad ng usual na vaccine, pero isang araw lang, nawala na [rin].”

Bago sila mabakunahan, sabi ni de Guzman na sila ay binigyan ng karampatang impormasyon ukol sa bakunang dala ng Pfizer-BioNTech at sumailalim sa pre-screening ng mga wellness officers na idineploy ng kanilang ospital na matatagpuan sa Texas.

Binigyan ng medisina panlaban inflammation gaya ng Tylenol at Motrin ang kung sino mang makaramdam ng sakit o inflammation sa binakunahang parte ng katawan. Ang mga nabakunahan din nito ay kailangan magbahagi ng mga updates sa pamamagitan ng isang phone application na ginawa ng Centers for Disease Control and Prevention.

Nakuha ni de Guzman ang unang dose noong ika-18 ng Disyembre, at ang ikalawa ay noong ika-8 ng Enero.

Idinagdag ni de Guzman, “After the second dose, I needed to take Tylenol because there was pain on the vaccination site. I felt sore, which is expected. But I had no fever. The next day, I already felt well. I would say benefits outweigh the risk.”

Si Troncales naman ay may kaparehong karanasan gaya ni de Guzman.

Kinailangan umano ng doctor na uminom ng Tylenol matapos ang ikalawang dose, ngunit matapos ang 24-36 na oras ay gumanda na rin ang kaniyang pakiramdam.

Parehong medical officials, si de Guzman at Troncales, ang nagpahayag ng kanilang confidence sa pagkuha ng Pfizer na bakuna.

Ipinahayag din ni de Guzman na ang bilis ng pagkakaroon ng bakuna ay dapat tingnan bilang simbolo kung gaano na kahusay ang siyensya sa kasalukuyan. Tingnan din ito sa anggulong kaakibat ng kung paano ito pinaglaanan ng sobrang oras, pera at manpower. She also cites that the working hours are almost 24/7.

Iginiit din ni Troncales ang importansya ng immunity laban sa COVID-19.

Ayon naman sa Vaccine czar ng Pilipinas na si Carlito Galvez Jr. na ang Pfizer-BioNTech na Covid-19 vaccine ang maaaring unang bakunang magamit sa Pilipinas sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero dahil ito’y ipapadala ng COVAX, isang global collaboration ng mga ekspertong naglalayong mapabilis ang development at production ng mga Covid-19 tests, treatments, at bakuna, at sinisiguro rin nilang may equitable access dito.

Noong isang araw, maaalalang nagsabi si Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga Filipino na gustong mabakunahan ng bakuna galing Pfizer-BioNTech kumpara sa SinoVac ay nakokonsumo ng colonial mentality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *