Dalawang PINOY nakatakdang bitayin sa AMERICA

Mayroong dalawang Pinoy ang nakatakda nang bitayin sa America. Galing ang impormasyong ito sa Death Penalty Information Center (DPIC) ng bansa.

Ang dalawang Filipino ay sila Sonny Enraca ng California at Ralph Simon Jeremias ng Nevada.

Si Enraca ay nahatulan ng death penalty dahil sa pamamaril at pagkapatay kay Dedrick Gobert, isang aktor mula sa “Boyz N the Hood.”

Habang ang ikalawang Filipino na Jeremias ay nahatulan dahil sa “execution-style” na pamamaril noong 2009 kila Paul Stephens at Brian Hudson.

Sa ngayon, tumatamlay na ang suporta ng mga US citizens sa death penalty dahil sa maraming kaso ng nabigyan ng maling setensiya. Ilang estado na ng US ang nagbasura ng kanilang death penalty.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *