Dating PBB Housemate na si Jai Agpangan, na-coma nang tatlong araw noong Pasko.

Ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Jai Agpangan ay emosyonal sa pag-babalik tanaw sa nangyari sa kanya bago matapos ang taong 2020.

Sa isang vlog niya, isiniwalat ni Jai na siya ay dinala sa ospital matapos ang pamamaga ng kanyang tainga, ang hindi matapos na pagsusuka, at ang pagkakahimatay noong ika-24 ng Disyembre.

Binulgar din niya na siya’y na-comatose ng ilang araw.

Habang tinutukoy ang sanhi, ayon kay Jai, “I don’t know why baka sa piercings, na-infected pala siya.”

Idinagdag pa niya, “[December] 27 ako nag-wake up daw. Hindi ko alam na NGT lang ‘yung food ko. Tapos lumbar tap ako, kasi parang akala nila meningitis, parang na-tetanus kasi ako, infected, sepsis, ang daming sabi sa akin ng doktor ko. Buti na lang mabait ang doctor namin at saka magaling.”

Nagpasalamat naman si Jai sa kanyang pamilya na sumuporta at nag-alaga sa kanya.

Si Jai Agpangan at ang kanyang kakambal na si Joj ay pinakakilala sa kanilang pagsali sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *