Dennis Padilla naluha pagkita nila ng anak na si JULIA
Dennis Padilla, diumano’y napaluha sa pagkikita nila ng anak na si Julia Barretto nitong Linggo, ika-6 ng Disyembre.
Aksidente lang ang pagkikita nila ng anak, matapos ang halos isang taong hindi nila pagkikita.
Kuwento ni Dennis sa DZRH, “Dun sa building na kinukunan kami ng VTR para sa promo ng Pakboys, meron kaming mga greetings as part of the promo para sa OFW.
Ngayon, nung pagpasok ko sa dressing room…. E nasa third floor kami, ‘tapos sa kabila may bahay. Sinabihan ako ni Janno na lumabas muna.”
Pagkalabas nga umano ng aktor ay nakita niya si Julia sa ground floor. Sabi niya pa, “Hi Jul! I miss you anak.”
Pinuntahan kaagad ni Dennis si Julia at nagkuha sila ng mga litrato. Masaya raw si Dennis sa muling pagkikita nila ng anak, pero ang iba niyang mga anak kay Marjorie ay hindi niya pa nakakasama ulit nang personal. Kaya nga ay napaluha nalang si Dennis sa paghihiwalay nila ni Julia.
“Nung lumalakad ako pabalik sa building na, tumulo rin yung luha ko. Kasi miss ko eh.”