DENR: 10% of dolomite sand in Manila Bay swept to sea + clearing of garbage due to Bagyong Quinta in Manila Bay’s shoreline

Dahil sa nagdaang malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Quinta sa Luzon, 10% ng dolomite sa Manila Bay anh naanod at tinabunan ito ng black sand na galing sa karagatan.

Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leonos, “may discoloration kasi ‘yong black sand niya pumapatong doon dahil sa lakas ng wave, dinadala ‘yong black sand, ‘yong regular sand, but this is a clean sand naman eh.”

Dagdag pa ni Leonos na nagpapalanong maglagay ang DENR ng dolomite sa karagatan para kung maulit ang ganitong pangyayari, white sand na ang mawa-washed in sa Manila Bay. “Nakikita natin ‘yong magiging problema. Puwede laging mag-adjust. So later on, lalagyan pa rin namin dolomite ‘yon pati sa tubig na para at least pagka lumakas ‘yong wave, hindi na black sand ang dadalhin ng tubig, white sand na.”- Leonos

Bukod dito, inanod din ang mga basura sa pampang ng Manila Bay sa kasagsagan ng bagyong Quinta nitong Lunes ng umaga. Kung kaya’t tambak din sa parte ng Manila Bay na tinambakan ng crushed dolomite ang mga basura. Sa kasalukuyan, patuloy ang paglilinis ng Department of Public Services para mapanatiling maayos at malinis ang anyo ng Manila Bay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *