DOH ipinabulaanan ang ‘kickvacc’ na akusasyon sa pag-bili ng Sinovac.

Pinabulaanan ng Department of Health ang spekulasyon na ang mga kikckback lang diumano ang nagtulak sa kanilang bilhin ang COVID-19 vaccine ng Sinovac Biotech ng China.

Nagpahayag si Sen. Francis Pangilinan noong Disyembre 2020 na sana’y walang ‘kickvacc’ sa kapalpakan ng gobyernong masiguro ang delivery ng 10M vaccine doses ngayong buwan sana, at dahil dito napilitan lamang ang Pilipinas na bumili mula sa Sinovac.

Nagbukas naman si DOH Secretary Francisco Duque III na walang katotohanan ang spekulasyon ni Pangilinan. Idinagdag pa niya na naniniwala siyang mayroong integridad ang vaccine czar ng bansa na si Carlito Galvez.

Ayon kay Duque, “Hindi po niya papayagan o papahintulutan ang mga ganitong katiwalian na makaapekto sa kumpiyansa, tiwala, at paniwala ng taumbayin sa atin pong COVID-19 vaccination program.”

Ang unang 50K na doses ng Sinovac ay dadating na sa Pebrero, at mauunang ibabakuna sa mga health workers.

Bilang pag-responde sa nagpapahayag ng kanilang kawalan ng tiwala sa Sinovac, nagbitaw ng mensahe ang Pangulo mismo. Ayon kay Duterte, “The Chinese are not lacking in brains. The Chinese are bright. They would not venture into producing vaccines if it is not safe, sure, and secure.”

Nauna nang nanawagan si Pangilinan sa gobyerno na ikansela ang pag-bili ng Sinovac vaccine, matapos matagpuan ang efficacy rate ng Sinovac sa Brazil ay mas mababa sa naunang anunsyo ukol dito.

Habang si Duterte naman ay nauna na ring nagpahayag ng kanyang kagustuhan na bumili ang Pilipinas ng mga bakuna sa China o Russia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *