Donita Nose, mayroon nang sariling bahay!
Sa kabila ng mga kinaharap na pagsubok ng comedian na si Donita Nose noong 2020, bumawi naman ang mga blessings na dumating sa kanya.
Isa sa mga blessings na ito ay ang katuparan ng kanyang pangarap na makabili ng sariling bahay para sa sarili at kanyang nanay.
Sa isang vlog para sa kaniyang YouTube Channel, ipinasilip ni Donita ang nabili niyang bahay sa loob ng isang subdivision sa Cavite. Wala pang makikitang gamit sa loob ng dalawang palapag na mayroon ang kanyang tahanan ngunit aniya na sila’y maninirahan na dito pagka-fully furnished na.
Ani niya, “Siyempre, excited ako, no! Kasi this is it na talaga. Di ba, para sa atin naman ‘to.”
Tinanong siya ni Super Tekla kung magkano ang nabiling bahay, nagbiro pa na sa balita ay humigit PHP 10M ang bahay.
Buiniro din siya pabalik ni Donita na, Hindi naman. Nasa P9.9 (million). Ha-hahaha! Charot! Hindi, a! Mura lang ‘yong bahay na nakuha ko. Hindi naman ‘yon ano…dyusko naman.
Alam mo namang mahirap lang tayo, ‘di ba? Basta ang importante is ‘yong meron tayong naipundar. Tapos kasama mo ‘yong family mo. Kasama ka. Magkakasama tayo. ‘Yun ‘yung importante.”
May apat na kuwarto ang bahay, tatlong CR, kusina, dirty kitchen, living room at entertainment area, at mayroon pang balcony.
Nagpasalamat naman si Donita sa kaniyang mga manonood na tinatawag niyang ‘tandems’, “So maraming, maraming salamat sa Panginoon at siyempre sa inyo mga ka-tandem dahil kayo rin ang susi kung bakit ko nakuha ito.”
Humirit pa si Donita, “Bagong buhay at mga bagong vlogs ang aabangan niyo sa Donekla.”