Duterte-Duterte para 2022? Wala umanong problema basta ‘qualified’ ayon kay Paduano.

Walang nakikitang problema ang House Minority Leader na si Joseph Stephen Paduano sa posibleng ‘Duterte-Duterte’ tandem sa paparating na Halalan 2022.

Sa isang press briefing noong Miyerkules, natanong ang mga miyembro ng House Minority sa kanilang opinyon sa posibleng pagtakbo ng Pangulong Duterte, at ang kanyang anak na si Davao City Sara Duterte-Carpio, sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Ani ni Paduano, lahat naman ay may karapatang tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno hangga’t sila ay kinikilalang ‘qualified’ sa ilalim ng 1987 Constitution.

Ayon sa kanya, “It is clear in the Constitution, everybody has the right to run for the elections as long as they are qualified under the 1987 Constitution.”

Idinagdag pa nito na ang ‘Duterte-Duterte’ na pagkakaisa ay magiging ‘test to the credibility and the performance of this administration.’

Habang ayon naman sa Gabriela Women’s Party representative na si Alene Brosas, masyado pang maaga para problemahin ang Halalan 2022, lalo na’t nasa kasagsagan pa ng pandemya.

Ani ni Brosas, “Napakaraming problema sa pandemya, ‘yun ang dapat tugunan ng kasalukuyang pamahalaan. Sa tingin po namin, hindi dapat mamuno ang hindi makakasiguro na pabibigyan ng solusyon ang pangangailangan ng mga Filipino sa ngayon.”

Habang ang Marikina representative naman na si Stella Luz Quimbo ay nagsabing, “The more informed choices, the better.”

At ayon naman sa Ang Magsasaka Partylist representative Argel Cabatbat naman ay susuportahan umano ang kung sino man ang itutulak ang makakabuti para sa mga magsasaka.

Noong nakaraang taon maaalalang nagpahayag si Harry Roque, presidential spokesman, na inaabangan umano ni Presidente Duterte ang pagtigil sa kanyang termino at pagbalik sa Davao City.

Habang noong naunang mga araw ng Enero naman inanunsyo ni Duterte na hindi tatakbo sa posisyon ng presidente ang anak dahil ito’y hindi trabaho para sa isang babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *