DUTERTE PINAYAGAN ANG DALAWANG SECRETARIES NA DUMALO SA SENATE INQUIRY

Pinahintulutan ni President Duterte ang dalawa sa kanyang mga Cabinet Secretaries na dumalo sa Senate Inquiry na tungkol sa programang pambabakuna ng gobyerno, sa kondisyong sila ay tratuhin ng tama at may respeto, ayon na rin sa Presidential Spokesman na si Harry Roque Jr.

Ito ay sa kabila ng kawalan ng pabor ng Presidente sa pamamaraan ng pagtatanong ng Senado kila Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czae Secretary Carlito Galvez Jr., umano’y pinayagan silang dumalo pa rin sa gagawing inquiry upang maliwanagan ang Senado sa proseso ng programa.

May permisyon din si Duque at Galvez kung ang pamamaraan ng mga Senador ay ‘war-like’.

Ayon kay Roque, “But in fairness to the President, his answer was no, go to the Senate, continue answering questions, continue the way in the manner that you have been answering, and if they become abusive to you verbally, just stand up and leave. And if they cite you in contempt, I will come and fetch you. So that’s the context.”

Idinagdag ni Roque na ang mahabang panahon ng pag-papartisipa ni Galvez sa mga Senate hearing ay nakakaapekto ng masama sa gawain niya bilang czar, umano’y ito ay nagli-limita kay Galvez mula sa mga negosasyong may kinalaman sa pagbili ng mga bakuna.

Inalala rin ni Roque na si Galvez ay nagpahayag umano ng, “Could I skip the hearing? Because it’s very important that I resume my negotiations with the vaccine developers… otherwise we might run out of supplies.”

Habang nasa isang panayam ang Pangulo kasama sa IATF, pinakita niya ang disgusto sa mga pinapahiwatig ng Senado at sa mga nag-bgay kritisismo sa isinasagawang pagbili ng bakuna na napuno ng iregularidad.

Nagpaliwanag naman ang mga Senado na hindi naman nila nilalayong maging ‘war-like’ sa kanilang ginagawang pagtatanong. At na ito ay dahil lamang sa kawalan ng transparency mula sa Malacañang tungkol sa programa ng pambabakuna.

Sa isang text message, nagwika si Senate President Vicente Sotto III na, “I wonder if Secretary Roque watched the hearing for nine hours. Tell me when, what time, and who was war-like or even was shouting to any of the resource persons. Imbento!”

Dinagdagan niya pa ito ng katanungang, “Why? Does he expect us to treat our resource persons with tender loving care?”

Iginiit lamang ni Sotto na kaya lamang dumami ang kanilang katanungan dahil umano si Galvez at ang ibang opisyales ay umiiwas sa pagsasagot ng akma o hindi malinaw sa kanilang mga sagot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *