Duterte, pinuri ang Task Force Zero Hunger
Nagbigay ng pahayag ang Presidente Duterte na hinahangad niya ang mas malakas at malusog na kinabukasan para sa mga Filipino, kasama ng pinalakas na aksyon ng gobyerno laban sa pagkagutom at kahirapan sa bansa.
Pinahina ng pandemic ang lokal na ekonomiya ng bansa, nagtaas ng unemployment rate, at nagtulak sa ilang mga pamilya upang magutom. Ito ay nagsanhi sa gobyerno na pagaanin ang restriksyong inilagay panlaban Covid-19 at upang mabalik ang economic activity.
Ayon sa isang mensahe galing sa Presidente, “We celebrate this momentous occasion for your agency with optimism that we will soon overcome the difficulties brought by the Covid-19 pandemic.”
Idinagdag pa niya na, “I therefore urge you to continue your collaborative work with other agencies in crafting programs and initiativs that will improve the lives of the poorest and marginalized sectors of our society.”
Pinuri din ng Presidente ang task force para sa dedikasyon nito sa paglaban sa kagutuman at kahirapan sa bansa. Sinabi din niyang ang National Food Policy ay hindi lamang upang maresolba ang problema sa kagutuman at malnutrisyon, ngunit upang makakuha na rin ng food security.
Bilang pagtatapos, nagpahayag ang Presidente ng, “With your unrelenting commitment, I am confident that we can attain a stronger and healthier future for all Filipinos.”