Explanation of BTS video with ABS-CBN logo
Nag-viral nitong weekend ang isang video ng K-Pop group BTS na mayroong ABS-CBN logo sa kanilang background.
Sa mga Filipino ARMY (bansag sa mga fans ng BTS), ang insidenteng ito ay nakakagulat. At marami sa mga fans ang nagtataka bakit nandoon ang presensya ng Kapamilya network sa isang K-Pop event.
Ang event na Fact Music Awards 2020, ay nagpakita ng pagkapanalo ng BTS ng ilang mga tropeo, kasali na ang “daesang” o Grand Prize.
Sa isang bahagi ng programang ito, dumating ang BTS sa red carpet. Tipikal na mayroong LED screen sa likod ng mga idols, at dito, nagpakita ang logo ng ABS-CBN sa likod ng mga idolo at sumabay sa paglalakad nito.
Ang mabilisang pag-viral ng video na ito ay nag-dala sa pag-rank ng ABS-CBN sa trends worldwide. Pero paano nga ba dumating doon ang logo ng ABS-CBN?
Ang Fact Music Awards ay inorganisa ng THE FACT Korea at FANN STAR at nai-stream sa Pilipinas kasama sa partnership sa Mori Travel at ilang ABS-CBN companies.
Ang partnership na ito ng ABS-CBN sa K-Pop organization ay nagdadala ng pag-asang maibabalik ang pag-tatanghal ng ilang mga K-pop groups sa Pilipinas, basta’t maisaayos na ang sitwasyon ng bansa laban sa pandemic.