Fourth Solomon, magkaka-anak na!
Magkakaroon na ng baby boy ang dating housemate ng Pinoy Big Brother na si Fourth Solomon at ang kanyang model na asawang si Grizelle Gratela.
Sa instagram ibinahagi ni Fourth ang excitement nilang makilala ang kanilang baby boy, na pinangalanan na nilang Robert Gavin, sa isang post niya sa Instagram.
Kalakip ang mga litrato mula sa maternity shoot ni Grizelle, binigyan ni Fourth ang kanyang post ng caption na, “Excited to see you very soon, @robertgavin_. Proud of you Mommy @grizellegratela.”
Ani naman ni Grizelle sa kanyang Instagram post ukol sa kanyang pagbubuntis, “So far this pregnancy has been so amazing. Thank you babe @fourthsolomon for making it easy and for always feeding me and @robertgavin_ yummy foods.”
Noong Disyembre lamang inanunsyo ni Grizelle na siya ay nagdadalang tao.
Ikinasal si Fourth at Grizelle sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City noong Agosto ng nakaraang taon.