Hair Flip ni Pinky Webb, pinuri ng netizens
Nag-trending ang journalist na si Pinky Webb matapos ang kanyang live na interview kasama ang Presidential Spokesperson na si Harry Roque. Ang panayam ay pumapatungkol sa nangyaring termination ng 1989 UP-DND Accord.
Ang interview at naganap sa ilalim ng The Source ng CNN Philippines na nangyari noong ika-20 ng Enero. Tinanong ni Webb si Roque ukol sa challenge na itwineet ng journalism professor ng UP na si Danilo Arao.
Ang challenge? Na ang alumni ng pamantasan ay mag-denounce sa termination na iginawa ng Department of National Defense sa accord.
Ani pa ni Arao, “Where’s your honor and excellence?”
Sa kanilang panayam, tinanong ni Webb kung ano ang reaksyon ni Roque sa challenge na ito, dahil siya ay isang alumni. Sinagot ito ni Roque ng, “I’m asking the DND Secretary and the President of UP to sit down, and I have offered my good offices to facilitate this meeting.”
Nagtanong naman si Webb ng, “Dine-denounce niyo ho ba ito? We’re not speaking as a presidential spokesperson.”
Na sinagutan naman ni Roque ng, “Really no such thing when you are a presidential spokesperson. All I’m saying is let’s talk about this, I support the steps of the UP President, and let’s see why a 30 year-old accord should not be continued when it has worked, apparently perfectly well, in the past 30 years.”
Matapos ang isang break, tinanong naman ni Webb si Roque ukol sa kagustuhan ng Duterte Youth partylist na matanggal din ang PUP-DND na kasunduan. Ayon naman ay Roque, “It’s a free country, if that is the thought of the Duterte Youth, so be it, and that is something that the presidential spokesperson doesn’t have to be involved with.”
Idinagdag niya ulit na, “I have to highlight the fact that I think the question on Arao was unfair. In the first place, why am I duty-bound to follow anything that Professor Arao says? You made it appear as if it’s compulsary for me to follow him.”
Nagwika rin si Roque na mas marami siyang oras na inilaan sa UP at na siya ay mas senior na akademiko kumpara kay Arao.
Dahil dito klinaro ni Webb na hindi niya sinasabing si Roque ay dapat sumunod sa sinabi ni Arao, at na ito lama’y isang tweet. Ani pa ni Webb, “It’s a tweet that I read and I asked for your reaction if you would denounce it.”
Pinutol siya ni Roque at nagsabing, “It’s implying that I should follow what Danny Arao says.”
Dinagdagan ito ni Roque ng, “And where is the basis? Tell your viewers now. Where is the basis that I should follow what Danny Arao says? It’s not just you asking for a reaction, you were pursuing, ‘Will you denounce?'”
Bilang responde dito, nagsabi lamang si Webb ng, “I am trying to be fair Secretary Roque.” Matapos nito ay nag-hair flip si Webb at sinubukang pakalmahin ang sitwasyon.
Pinutol siya ulit ni Roque, na nagsabing ang mga katanungan ni Webb ay nagpapahiwatig na kung hindi siya sumang-ayon kay Arao ay wala na rin siyang honor o excellence.
Ang hair flip at paraan ng pag-papatuloy niya sa kabila ng sitwasyon ay pinuri ng mga netizens.
Hindi ito ang unang beses na nakipag-panayam si Webb sa isang sensitive na Presidential Spokesman. Maaalalang noong nakaraang Marso ng 2020 ay nakapanayam niya si Salvador Panelo, ang Presidential Spokespeson dati ng Presidente, tungkol sa kung paanong ang malakihang quarantine ay gagana.
Noong nagtanong si Webb tungkol sa kung kailan ba sila makakabalita galing sa Presidente ay biglang naputol ang linya.