Harry Roque, bawal mag-TikTok ayon sa Palasyo
Binulgar ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit bigla siyang tumigil sa pag-gawa ng mga TikTok videos.
Sa pakikipanayam kasama ang Politiko TV, inamin ni Roque na siya’y nalilibang talaga sa pag-gawa ng mga TikTok videos.
Ngunit ang bagong hilig niyang ito ay kailangan niyang itigil sapagkat inutusan siyang huminto pagkabalik niya sa posisyon bilang tagapagsalita ng Pangulo.
Ayon kay Roque, “Napatigil po ang aking Tiktok. ‘Yan po ang sinabi sa akin na dapat ‘wag muna mag-Tiktok pagbalik ko bilang spokesperson.”
Hindi niya tinuro kung sino nga ba ang mismong nagpatigil sa paggawa ng TikTok na videos, pero sigurado ito ay galing sa Palasyo.
Pinagtawanan lang umano ni Roque ang utos. Ani pa niya,” Kaya nga ang sabi ko, ‘Nasupil ang karapatan ko mag-Macho Dance.'”