He survives 3 gunshots to the head but is killed by gunman at Hospital
Isang lalaki ang natagpuan na natamaan ng tatlong bala sa kanyang ulo na naka-survive, ngunit pinatay agad ito ng isang gunmen habang nagpapagamot sa isang hospital sa Angono, Rizal.
Nakatanggap ng report ang Angono Police bandang alas-onse ng umaga na natamaan ng bala si Vincent Aida at nagpapagamot ito sa Rizal Provincial Hospital System Annex sa bayan ng San Isidro nang biglang pumasok ang isang unidentified gunmen sa kanyang kwarto at pinatay agad siya nito. Ayon sa mga nakasaksi, nakasuot ang salarin ng black na t-shirt at shorts at meron pa itong dala-dalang backpack nang lumuwas ito sa hospital kasama ang kanyang accomplice gamit ang dala nilang motor.
Ayon sa Health Care Worker (HWC) na nag-alaga kay Aida, tatlong bala ang tumama sa mukha ni Aida at dinala ito ng mga village officials sa hospital matapos nilang makita ito sa kanyang sitwasyon. Sa palagay ng HWC, nagpanggap si Aida na tuluyang patay para makatakas sa mga suspek at mailigtas niya ang kanyang sarili.
“It was a miracle that he’s alive. Fully conscious, coherent. We were able to extract some info from him. He knew who shot him. He wrote it down. But then the papers he wrote on suddenly went missing.” – HWC
Nakilala ng mga HWC ang biktima gamit ang kanyang tatoo sa katawan kung saan nakatulong ito sa pagtrace ng kanyang address at pamilya.
“We were trying to trace his relatives, but then hours after stabilizing the patient, an unidentified gunman suddenly went inside our emergency room. The assailant shot the patient once…then pointed the gun at us, and while all the HCWs cowered in fear, shot the patient for the second time, stormed out of the emergency room, and rode his motorcycle. Just like that.” – dagdag pa ng HWC
Nangako naman na tutulong ang Angono Police sa pagtaguyod ng imbestigasyon sa naturang krimen.
Hinihinalang sangkot itong kaso sa extrajudicial killings sa bansa dahil ang biktima ay diumano isang drug addict.