IBP, “Korapsyon at opresyon ang tunay na pinanggagalingan ng pagtaliwas sa gobyerno, hindi mga paaralan.”

Hindi mga unibersidad kundi kakulangan, korapsyon, at opresyon ang nagpipilit sa mga Pilipino na magsimulang sumali sa mga armadong grupo na tumataliwas sa gobyerno, ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) noong Lunes.

Sa isang panayam sa ‘The Mangahas Interviews’, ani ng National President ng grupo na si Domingo Cayosa na dapat punain ng gobyerno ang totoong pinanggagalingan ng ‘dissent’ upang maresolba ang mga isyu na mayroon ito sa pagpaparatang ng recruitment ng mga estudyante sa New People’s Army (NPA).

Ayon kay Cayosa, “It is really the corruption, incompetence, abuse, oppression, at ‘yung kawalan ng hustisya, kahirapan, at hopelessness, that is the real nesting ground of dissent or even armed struggle against government.”

Idiniin pa niya na hindi lamang mga unibersidad, kung hindi buong Pilipinas ang maaaring pamugaran ng mga posibleng maging miyembro ng NPA, hangga’t hindi natatanggal ang mga root cause ng dissent.

Iginiit ulit ni Cayosa na kahit umano mayroong recruitment na nangyayari, hindi dapat harangan ang academic freedom, ang constitutional na karapatan ng mga miyembro ng institusyon sa privacy at due process.

Bilang pagtatapos, nagbigay siya ng pinal na mensahe ukol sa mga nangyayari ngayon. “Kinakailangan igaling pa rin ang karapatan ng ating mga mag-aaral, mga guro, na maghayag, mag-isip nang malaya even if the views and positions that they take are contrary to that of government or others.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *