Ika-13 na lalaki sa Room 2207 ng Dacera case, nagpakita na sa NBI

Pumunta sa opisina ng National Bureau of Investigation sa Maynila ang isa pang occupant ng Room 2207.

Diumano, siya ang ika-13 na lalaki sa nabanggit na kuwartong nakitang binibisita ng flight attendant na si Christine Dacera.

Si Christine ay natagpuang walang malay sa bathtub ng Room 2209 noong Enero 1 sa Makati City, at kalaunan ay binawian ng buhay. Siya ay nandoon upang dumalo ng year-end party ng kanyang mga kaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *