Ikalawang autopsy kay Christine Dacera, nakahanap ng mga bodily fluids
Ang ikalawang autopsy na isinagawa sa katawan ni Christine Dacera ay nahanapan ng mga bodily fluids.
Matatandaang siya ang flight attendant na natagpuang patay sa bathtub ng isang hotel sa Makati noong bagong taon.
Ayon sa isang source sa National Bureau of Investigation (NBI), mayroong humigit kumulang na 100 milliliters ng bodily fluids na natagpuan sa ikalawang autopsy na isinagawa sa General Santos City.
Ang mga fluids Dacera ay sasailalim sa DNA analysis.
Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, “We have very interesting leads. We have very encouraging results. Kaya malaman kung [may] presence of alcohol, level of alcohol maybe, presence of illegal drugs.”
Diumano’y ang NBI ay naghihintay din sa mga resulta ng mga tests na isinagawa sa katawan ni Dacera nang Makati Medical Center, kung saan siya’y idineklarang dead on arrival.