Ikaw Ang Liwanag at Ligaya
Kada taon mayroong Christmas Station ID ang ABS-CBN, at nito lamang ika-27 ng Nobyembre ay kanilang isinapubliko ang lyric video ng Christmas Theme Song na “Ikaw ang Liwanag at Ligaya.”
Kahit na ang bansa’y nasa kalagitnaan ng pandemic, at sa kamakailan lamang sapilitang broadcast shutdown ng kanilang network, na nagbunga sa retrenchment ng kanilang libo-libong mga empleyado, ang kanta ay nagpapatungkol sa bagong simula at pag-asang nanggaling sa pananalig.
Ang kanta ay isinulat ni Robert Labayen at Love Rose de Leon, habang ang musika’y akda ni Thryo Alfaro. Nabanggit din na ang “Ikaw ang Liwanag at Ligaya” ay nagha-highlight sa kanilang pagmamahal sa kapwa Filipino at pagpapasalamat sa Diyos, na pangunahing sanhi ng liwanag at ligaya sa bawat pamilya.