Ina ni Christine Dacera, “They could have done more to save her”
Si Sharon Dacera, ina ni Christine Dacera na natagpuang patay sa bathtub ng isang hotel, ay nagbitaw ng pahayag na hindi sapat ang ginawa ng mga kaibigan ni Christine upang siya’y maligtas.
Sa isang interview noong Martes, nabanggit niya si Rommel Galido, ang pinagsabihan ni Christine ng kanyang suspetya na si Mark Anthony Rosales ay may inilagay sa kanyang inumin.
Ani pa ni Sharon, “Sana kung nalaman niyang nagkasakit-sakit ang ulo ng anak ko, mayroon namang clinic siguro ‘yung hotel para magtawag siya doon sa information desk para magpatulong. Usually may gano’n diba? Bakit hindi niya ‘yun ginawa?”
Inamin ni Galido na hindi niya pinalaki pa ang sinabi ni Christine tungkol sa inumin at bumalik nalang ng tulog.
Nanawagan si Sharon kay Galido upang sabihin talaga ang katotohanan sa nangyari kay Christine.
“As of now, ang masasabi ko lang po, magsalita nang totoo si Rommel. ‘Yun ang tanging kahilingan ko sa kanya, kung friend at little sister niya si Christine kasi sabi ko sila ang kasama ni Christine the moment na nangyari din sa anak ko,” ani ni Sharon.