Inilunsad ng Chinese Military ang ballistic missile launchers sa West Philippine Sea
Nag-deploy ang China ng maraming launchers para sa bago at ‘advanced’ na intermediate-range ballistic missile (IRBM) para sa idadaos na intensive training nito.
Sa mga satellite images ng Maxar Technologies, ipinakita na nagdeploy ang China ng DF-26 IRMB launchers sa jsang training site sa Shandong province.
Ani ni Andrei Chang, ang editor-in-chief ng Canada-based na Kanwa Defence Review, mapapaloob ang India sa range nitong mga missiles, at magiging banta ito sa naval base ng US na nasa Yokosuka, Japan.
Ang DF-26 IRMB ay isang mobile-road ballistic missile na armado ng mga warheads, conventional at nuclear, na mayroong range ng 5,000 km.
Ani naman ni Chinese Military Expert Zhou Chenming na ang DF-26 ay hindi kailangan upang pambanta sa India.
Idinagdag naman ni Zhou na kung mayroong foreign na warships and pumasok sa dagat na nasasakupan ng China ay maaari nila itong mapasabugan.